// Relationship.status = "Best Decision Ever";
Deployed: December 29, 2024 | Uptime: 18 months | Crashes: 0
↓ scroll down, may surprise pa ↓
// relationship.analytics
// typeof girlfriend === 'perfect'
// git log --all --oneline
// relationship.getProgress()
// things i will never uninstall
// README.md — the important stuff
Happy 1 year and 6 months, love! 🎉
Hindi na natin namamalayan kung gaano na pala katagal tayo magkasama — biruin mo 'yon, kinaya natin! Sabay nating hinarap ang lahat, at gaano man tayo sinubok ng tadhana, pinili pa rin natin ang isa't isa. Dumaan na tayo sa mga muntikan, sa samot-saring away, pero lahat ng 'yon ang nagpalakas sa atin at nagpakilala sa isa't isa nang mas malalim.
Alam mo baby, hindi ko hinahangad ang perpektong babae — wala naman talagang ganoon, kahit ako, marami rin akong pagkukulang. Pero alam mo, kahit anong kulang mo sa tingin mo, hindi ko 'yon kailanman pinagtuunan. Para sa puso ko, perpekto ka. Buong puso kong mahal ang lahat-lahat sa 'yo — ang pagiging masungit mo, ang madaling ma-annoy, ang pagka-short tempered — ikaw 'yan, ikaw 'yan mula nang nakilala kita, at 'yon din ang nagpapamahal sa 'yo sa akin.
Masaya na ako na nandoon ka para sa akin sa pinakamababa kong panahon. At ganoon din naman ako sa 'yo love — kasama mo sa lahat. Gusto ko ring sabihin, sorry sa lahat ng beses na naging matigas ang ulo ko. Salamat sa pag-unawa mo, at sa hindi pagsawa sa ugali ko.
Excited na rin ako sa graduation mo! Finally, pareho na tayong graduate. Alam ko hindi magiging madali sa simula, pero sasamahan kita at susuportahan sa lahat ng gusto mo — hanggang sa maabot na natin ang mga pangarap natin, sabay, at mabuo ang buhay na gusto nating dalawa.
You're the best, my love. Ang pagkakaroon ko sa 'yo ay laging nagpapaalala sa akin kung gaano ako pinagpala. Iisa ka lang sa puso ko. More love and memories to come! 💙